Ang dalawang kwento sa double-deck

September 26, 2008 mailyn0824

#1: Ang makulit na bata.

Natutulog daw ang isang lalake sa itaas ng double-deck nang magising sya sa malakas na pag-uga nito.  Akala niya may bagyo pero hindi naman nagagalaw ang ibang gamit sa kwarto. Kaya’t naisip nyang baka ang ka-roommate nya lang na nakapwesto sa ibaba ang may pakana nito.

“Ano ba yan ‘pre.. wag ka namang magulo natutulog na ko dito.” Pero hindi pa rin tumigil ang pag-uga. Nainis na sya kaya’t sumilip na rin sya dito para sigawan. pero wala doon ang roommate nya. Isang batang halos bulok na ang katawan ang nakangiting nakatitig sa kanya. Nakatayo ito sa baluktot nang paa at nakahawak sa haligi ng double-deck ang mapuputol na nitong mga kamay.

 

#2: Ang batang makulit.

Isa namng lalake ang nakahiga sa ibabang kama ng double-deck. Tahimik lang ang kwarto habang nagbabasa sya. Nang bigla na lang may kumalabog sa itaas na higaan na para bang may tumatalon-talondun. Kinilabutan na sya dahil alam nyang wala namang nakahiga doon. Gusto man nyang tumakdo, hindi nya na maigalaw ang katawan sa sobrang takot. Kaya pumikit na lang sya para magdasal. May naramdaman syang may mabaho at malapot na tumulo sa noo nya. Hindi nya napigilan ang pagdilat dahil dito. Isang batang halos di na makilala ang mukha ang duguang dumungaw mula sa itaas.

At nahulog ang pugot nitong ulo sa kanya.

Entry Filed under: horror

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

Pages

Categories

Calendar

September 2008
M T W T F S S
     
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Most Recent Posts

 
%d bloggers like this: